Sa Aking Bagong Layang Kaibigang Adoy
- Raymund Narag

- May 6
- 2 min read
Congrats, laya ka na! Matapos ang 29 years sa loob, matitikman mo na ulit ang buhay sa laya. Magkasama tayo noon sa QCJail , pitong taon tayo doon. Tapos , nalipat ka sa Bilibid. Halos dalawang dekada inilagi mo doon. Napunta ka ng Iwahig at doon ka na inabutan ng laya.
Salamat at naging matibay ka sa mga panahon na iyon. Mabuti at malalim ang iyong pananalig sa Diyos. Naging mabuti kang mamamayan sa loob, sumunod ka sa mga patakaran. At naging produktibo sa pagsali sa mga livelihood activities.
Salamat din sa suporta ng iyong pamilya at ngayon sa kanila ka babalik. Ah… maliliit pa lang ang mga anak mo noon… ngayon may trabaho na sila. Di sila sumuko sa iyo .. at Di Karin sumuko sa kanila.
Marami kang hahabuling oras. Mga birthdays na hindi mo nasalihan. Mga bagong taon na mag isa kang sumalubong. Mga kamag anak na lumisan na hindi ka na nakapagpaalam. Pero huwag kang mag-alala, isa isa , malalasap mo ulit ang mga bagay na iyan.
Sa iyong paglaya, maraming pagsubok ka ring mahaharap. Hirap sa pag hanap ng trabaho… pagtanggap ng komunidad… pero okay lang yan. Kakayanin mo rin yan tulad ng pagkaya mo sa mga pagsubok sa loob.
Dapat lang gamitin mo lahat ng mga natutunan mo sa loob para sa ikabubuti mo. At maging katuwang ka sa mga adbokasiya para maayos ang piitan sa ating bansa.
Welkam sa buhay laya, kosa.

Ps: Matapos ang dalawang dekada, noong 2020, kasagsagan ng pandemya, muling nagkita kami ni Adoy. Simula noon ay nasubaybayan at nagabayan ko siya sa kanyang paglaya. Sa mga Nais tumulong kay adoy sa kanyang pagbabagong buhay, pm niyo po ako.





Comments