top of page

Binago ng Pagmamahal at Pagkalinga

  • Writer: Madelyn N. Solito
    Madelyn N. Solito
  • Apr 25
  • 2 min read

ree

Ang ating kaibigan na si Ronald ay dating drug addict. Dahil sa masamang barkada, nalulong siya sa droga at tuluyang nakulong. Hindi na siya mapigilan ng kanyang ina sa kanyang pasaway na ugali, at ang kinatatakutan nitong mangyari ay nangyari nga—nahuli si Ronald at nasampahan ng kaso. Mahigit isang taon siyang nakulong at doon niya narealize ang kanyang mga pagkakamali sa buhay.


Ang kanyang ina ay hindi tumigil sa paghahanap ng paraan para siya'y makalaya. Lumapit ang kanyang ina sa PRESO Inc. Sa tulong ng PRESO Inc., isang organisasyong tumutulong sa mga katulad niyang first-time at mahihirap na PDL, nabigyan siya ng pagkakataong makalaya sa pamamagitan ng Release on Recognizance (ROR). Ang PRESO Inc. ang siyang naghanap ng abogado, at tinulungan din siya ng Barangay, at ng mga Kagawad na naniwalang kaya pa niyang magbago. Salamat sa presensya ng komunidad ng pagmamahal, nakalaya siya noong Agosto 2022.


Hindi lang tulong sa legal ang naibigay ng PRESO Inc. Tinulungan din siyang magkaroon ng hanapbuhay. Nakipag organisa ang PRESO Inc. sa Rotary Club of Midtown QC, at sa tulong nito, nakasali siya sa "Padyak Pangkabuhayan." Ang El Proveedores Foundation naman ay nagpa-utang ng puhunan na kanyang nabayaran na. Ngayon, katuwang na siya ng ina sa pagtitinda ng prutas at gulay, at may regular na trabaho pa sa isang kilalang restaurant sa Tagaytay bilang tagabili ng mga sangkap. Tumutulong din siya bilang volunteer sa disaster response team ni Mayor Joy Belmonte.


Ngayon ay 49 anyos na si Ronald. Malinis na siya sa droga, responsable na, at tapat sa kanyang pamilya. Mapayapa na ang kanyang buhay at may pag-asa na siyang tanaw sa hinaharap. Salamat sa Panginoon at sa mga taong naniwala sa kanya, isang bagong Ronald ang humaharap ngayon sa mundo.


Ang kanyang kwento ay patunay na ang pagbabagong buhay ay posible kung may komunidad ng pag-ibig, tiwala, at gabay. Sabi nga niya, "Puwedeng -puwede pala!

Comments


© 2018 PRESO Inc.

SEC Reg. # CN201823985

Background Image by Manila City Jail

Visitors

bottom of page